Target ng Office of the Vice President ang kabuoang 1,139,244 beneficiaries sa mga flagship program nito sa ilalim ng panukalang P2.037-billion budget sa taong 2025.
Sa nasabing proposed budget, nasa 87.98 porsiyento nito ay mapupunta raw sa mga programa at proyekto ng OVP habang ang 12.02 percent ang mapupunta sa personnel services, equipment, at sasakyan.
Ayon sa OVP, layunin nilang mas mapalawak pa ang paghatid ng mga serbisyo mula sa iba’t ibang programa ng Tanggapan sa mas marami pang Pilipino sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang budget hearing ng OVP ay una nang naka-iskedyul noong Huwebes, Agosto 15, sa House of Committee on Appropriations, ngunit ito ay ipinagpaliban sa Agosto 27 sa kahilingan ng OVP.
Samantala, ngayong taon, walang iminungkahing alokasyon para sa mga confidential at intelligence funds (CIFs) ang OVP sa badyet nito.
Matatandaan na ang mga iminungkahing CIF sa ilalim ng badyet ng OVP para sa 2024 ay naging isang punto ng pagtatalo kaugnay sa paggastos ng OVP ng P125 milyon noong Disyembre 2023.