-- Advertisements --

Binabalak ng isang Senador ang pagpataw ng mas mataas na buwis sa mga mayayamang indibidwal para makapag-generate ng mas maraming income para sa gobyerno.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na siyang nakatakdang mamuno sa Senate ways and means committee sa 19th Congress na mayroong mga lumalabas na listahan ng mga bilyonaryo subalit wala aniyang pangalan ang mga ito sa top taxpayers sa bansa.

Nakapagtataka din ayon sa Senador na karamihan sa mga primero unong taxpayers sa bansa ay mga TV at movie personalities subalit ang mga nasa listahan ng mga bilyonaryo ay wala sa listahan ng top taxpayers.

Kung kayat, pinaplano ng Senador na maghain ng isang panukalang batas para taasan pa ang buwis sa mga mayayaman at kumpiyansa ito na makakakuha ito ng suporta mula sa iba pang mga mambabatas.

Top