-- Advertisements --
image 449

Pormal ng inihain sa Senado ang panukalang nagsusulong para tuluyan ng mabuwag ang Procurement Service-Department of Management and Management (PS-DBM) sa gitna ng mga kontrobersiya na bumabalot sa naturang ahensiya.

Sa ilalim ng Senate Bill 1802 na inihain ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Francis Tolentino, nakasaad na lahat ng biniling goods kabilang ang common-use supplies, materials at equipment at infrastucture projects ay dapat na isagawa na ng kani-kaniyang departamento, bureaus, mga tanggapan, ahensiya, state universities and colleges, government-owned and / or -controlled corporations (GOCCs) at mga lokal na pamahalaan.

Sa ilalim din ng Senate Bill, ang bids and awards committee (BAC) ang siyang tutukoy sa eligibility ng isang prospective bidders para sa pagbili ng Goods and Infrastructure projects base sa compliance o pagtalima ng bidders sa eligibility requirements sa loob ng itinakdang period.

Binanggit din ng Senador ang ilang obserbasyon ng Commission on Audits (COA) na nakapag-dokumento kung paano naging dehado ang pamahalaan sa bidding process lalo na kapag ang procurement process ay isinasagawa sa pamamagitan ng PS-DBM.

Kabilang na dito ang kontorbersiya sa unexpended/unutilized fund transfers na nagkakahalaga ng P1.976 billion mula sa Department of Health (DOH) na nakalaan para sa Covid-19 supplies at equipment na hindi pa rin nareremit sa National Treasury kahit na nagpaso na ang validity periods gayundin ang maanomaliyang pagbili ng overpriced laptops para sa mga pampublikong guro ng DepEd.