-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng attached agency nito na Bureau of Internal Revenue (BIR), kung paano ipapataw ang buwis sa digital activities.

Kabilang dito ang online selling at streaming services.

Sa pagdinig sa Senado kahapon, sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na pinag-aaralan na ng DOF at BIR ang mga panukalang patawan ng buwis ang mga serbisyong iniaalok ng mga kompanya tulad ng Netflix at Lazada.

Pero habang gumugulong ang mga pag-aaral na ginagawa patungkol dito, sinabi ni Dominguez na hindi pa malinaw ang posibleng pagkolekta ng buwis mula sa mga digital services.

Kamakailan lang ay inihain ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda ang panukalang naglalayong patawan buwis ang mga digital services sa bansa tulad ng mga “network orchestrators” na Angkas at Grab.