-- Advertisements --

Isinusulong ni Congressman Jaime Cojuangco ng First District of Tarlac, ang panukalang batas na inaatasan ang pagsasama ng urban agriculture, agricultural entrepreneurship and economy, at iba pang mahahalagang agricultural concepts bilang bahagi ng curriculum sa lahat ng primary at secondary schools.

Ayon kay Rep. Conjuangco kailangan ng bansa ng mga bagong breed na magsasaka na equipped ng mga modern agricultural technology at masustine ang scientific farming upang mapataas ang ani ng sakahan.

Nakasaad sa House Bill No. 2072 ni Cojuangco, na malaki pa rin ang ginagampanang role ng agrikultura sa ekonomiya ng Pilipinas dahil gumagamit ito ng humigit-kumulang 40% ng mga manggagawa.

Ayon sa mambabatas na nag-aambag ito ng humigit-kumulang 20% ​​sa Gross Domestic Product.

Ang mga produktong pang-agrikultura ay patuloy na pangunahing ini export ng bansa.

Dapat maging self-sustaining ang bansa sa agrikultura at produksyon ng pagkain.

Aniya, panahon na para maging seryoso ang gobyero sa pagsasaka at hindi basta tanim ng tanim lang kundi panahon na upang ang mga bata, ang mga estudyante, ay matuto ng mas siyentipikong paraan ng pagsasaka. Upang malaman kung paano kumita ng pera mula sa pagbubungkal ng lupa o gawin itong isang entrepreneurial na pagsisikap.

Layon din nito na maiangat ang propesyon sa pagsasaka sa antas na makapagpapapanatili ng higit pa sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ng magsasaka.