-- Advertisements --

Isinusulong ni House Deputy Speaker (DS) at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa Kamara na amyendahan ang panukalang Government Procurement Reform Law .
Pinangunahan ni Gonzales ang isang consultative meeting kasama ang mga regional officials ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ng sa gayon kunan ang mga ito ng mga suhestiyon at rekumendasyon para amyendahan ang Republic Act (RA) 9184, o ang “Government Procurement Reform Act.”
Paliwanag ni Cong. Gonzales, na ang nasabing pulong ay inorganisa para talakayin ang mga butas at mga pagpapaunlad sa RA 9184.

Sinabihan ng mambabatas ang mga kawani ng DPWH na dumalo sa pulong na mahalagang talakayin ang mga magandang formula o solusyon para mapabilis ang procurement process.

Nasa 20 taon na ang nakalipas mula ng maisabatas ang RA 9184 kaya panahon na para amyendahan ito na angkop sa kasalukuyang set-up.

Ngayong 19th Congress, tatlong panukala ang nakabinbin sa Komite ng Revision of Laws na may katulad na hangarin na amyendahan ang Government Procurement Reform Law.

kabilang sa mga isinusulong na amyendahan ay ang mga sumusunod:

1) itaas ang pre-bidding conference threshold mula sa P1-milyon sa P100-milyon;

2) bawasan ang kabuuang proseso mula 72 calendar days sa 34 calendar days;

3) gawing rekisitos ang isa lamang na pagpopost ng notice of award at notice to proceed (NTP) na may kasamang kontrata sa loob ng 15 calendar days mula sa pag-iisyu ng NTP

4) isama ang katagang “unless delegated to the BAC (Bids and Awards Committee) Secretariat” sa Section 25 ng Implementing Rules and Regulations ng RA 9184.

Hinimok naman ni DPWH Undersecretary for Operations Antonio Molano sa mga mambabatas na isama ang probisyon sa panukala ang pagpapahintulot sa paggamit ng teknolohiya upang mapabilis ang proseso sa panahon ng pagkilatis, at antas ng post-qualification sa procurement.