Nakatakdang pagbotohan nitong Miyerkules, Pebrero 19 ng House committee on constitutional amendments ang panukalang amiyenda sa Saligang Batas.
Ayon sa chairman ng komite na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, pagbobotohan nila ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Cosntiutional Reform, na isasama sa ipapadalang report kay Speaker Alan Peter Cayetano at sa plenaryo ng Kamara.
Sinabi ni Rodriguez na kinukonsidera niya ang mga rekomendasyon ng task force bilang Cha-Cha proposal na rin ng administrasyon bilang si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang bumuo ng naturang grupo.
Bago nabuo ang kanilang rekomendasyon, sinabi ng kongresista na nagsagawa ng nationwide consultations ang grupo, sa pangunguna ni Local Government Sec. Eduardo Año.
Kabilang sa mga mungkahi na nabuo ay ang paghalal ng mga senador mula sa iba’t ibang rehiyon, gawing limang taon ang termino ng mga lokal na opisyal at House members, at pagtanggal sa foreign ownership restrictons.
-- Advertisements --