-- Advertisements --

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara noong Nobyembre 24 ang House Bill No. 7904, na naglalayong palakasin ang Anti-Money Laundering Act.

Layon ng panukalang batas na ito na protektahan at mapreserba ang integridad at confidentiality ng mga bank accounts pat tiyakin na ang Pilipinas ay hindi magagamit bilang money-laundering site.

Hangad din ng panukalang batas na ito na magpataw ng financial sanctions sa mga sangkot sa financing o nagpopondo sa mga armas para sa mass destruction at terorismo.

Sa ilalim ng panukala, itinuturing na ring bilang predicate offenses sa anti-money laundering law ang tax crimes at paglabag sa Strategic Trade Management Act sa pagpondo sa mga armas para sa mass destruction.

Binibigyan din ng laya ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magpatupad ng targeted financial sanctions, kabilang na ang ex-parte freezing sa mga funds at assets na pagmamay-ari ng mga indibidwal o entities na kabilang sa listahan ng United Nations resolutions laban sa proliferation ng mga armas para sa mass destruction.

Binibigyan laya rin ang AMLC para sa pagpapanatili, manage, at dispose ng mga assets na subject sa freeze orders o asset preservation orders.

Pinalalakas din ng panukalang ito ang investigative powers ng AMLC, partikular na ang subpoena at contempt powers nito.