-- Advertisements --

Simula ngayong araw, Agosto 8, epektibo na ang paniningil ng toll fees sa mga motorista na babaybay sa NLEX-SLEX Connector, ang expressway sa pagitan ng Calocan city (C3) at España Boulevard sa Manila.
Ang mga class 1 vehicles o mga kotse at SUVs ay kaialngang magbayad ng P86 habang ang Class 2 vehicles naman gaya ng mini vans at buses ay magbabayad ng P215.
Ang mga class 3 vehicles naman kabilang ang malalaking trucks at trailers ay magbabayad ng P302 toll fee.
Magugunita na una ng inaprubahan ng Toll Regulatory Board ang paniningil ng toll fee sa connector na panibagong expressway na dinivelop ng Metro Pacific Tollways Corporation.










