-- Advertisements --

Kinumpirma ng Asian Development Bank (ADB) na inaprubahan na nila ang panibagong utang ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $400 million o katumabas ng P20.9 billion.

Ayon sa ADB, layon ng bagong pautang na makatulong sa domestic capital markets at masuplayan ang long-term finance lalo na para mapondohan ang mga programa sa imprastraktura.

Tinataya kasi na may kakulangan pa o financing gap na nasa P2 trillion hanggang sa taong 2030.

Nagpaliwanag pa ang ADB, na ang panibagong utang ng Pilipinas ay upang suportahan din ang recovery sa mga industriya na matinding tinamaan ng pandemya.

Kabilang dito ang mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) na itinuturing na “backbone” ng ekonomiya ng Pilipinas.

Naniniwala rin ang Asian Development Bank na ang bagong loan ay makakatulong din sa Pilipinas na mailatag ang tamang “environment” para makaengganyo pa ng ng mga long-term investors.

“Pension funds and the insurance sector currently account for a small portion of the Philippines’ domestic capital market, with their combined volume equivalent to 12% of gross domestic product compared to 30% in Thailand and almost 80% in Malaysia. There is huge potential in tapping this sector for long-term funds since they have long investment horizons and low leverage,” ani ADB principal financial sector specialist for Southeast Asia Stephen Schuster. “These investors can offer better debt pricing and longer maturities in local currency and are less likely to sell or retreat during short-term market corrections.”