-- Advertisements --
LUIZ MANZANO

Muling nag-isyu ng panibagong subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Flex fuel Corporation at sa dating co-owner o chairman nito, ang actor-host na si Luis Manzano.

Naimbitahan ang mga ito para magpaliwanag sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y fraud sangkot ang mga co-owners ng kompaniya.

Sa pagdinig noong Lunes, hindi dumalo si Manzano sa halip ay nagpadala ito ng messenger dala ng sulat na humihiling para sa 15 days extension.

Kayat muling ini-schedule ng NBI ang pagdinig sa Pebrero 20 kung saan inaasahang dumalo ang parehong parties.

Sa ngayon, nasa 50 co-owners na ang naghain ng estafa complaint sa NBI laban sa Flex fuel at kay Manzano.

Una ng nagpaliwanag ang actor-host na kaniyang kinonsulta ang NBI noon pang Setyembre ng nakalipas na taon kaugnay sa kabiguan ng kompaniya na masunod ang obligasyon nito sa mga co-owner at investors.

Nagsumite na rin aniya ng complaint affidavit laban sa kompaniya noong nakalipas na Nobiyembre at iginiit na mayroong P66 million na pagkakautang sa kaniya.

Subalit itinanggi naman ng kompaniya ang naturang alegasyon at binigyang diin na hindi sila nagooperate ng scam o anumang fraudulent activity.

Giniit din ng komapaniya na transparent sila sa kanilang investors at ang epekto ng pandemiya at giyera sa ukraine ang nakaapekto sa kanilang sales.