Muling bumaba ang COVID-19 positivity rate sa buong bansa batay sa pinakabagong survey ng OCTA research group.
Sa datos ng Octa Research , ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas ay pumalo sa 13.2% mas mababa kung ikukumpara sa 14.8% na naitala noong June 10.
Ayon kay Octa research fellow Guido David, kung ikukumpara aniya ang data noong Hunyo 10 at Hunyo 3, makikita aniya ang pagbaba ng pitong araw na positivity rate kabilang na ang Metro Manila na bumaba sa 11.6% mula sa 16.7 %
Bumaba rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa naturang virus sa Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Laguna, Palawan, Pangasinan, Quezon, Rizal, Zambales, Agusan del Norte, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, Leyte, Misamis Oriental, at Zamboanga del Sur.
Samantala, tumaas naman ang positivity rate sa Cagayan, Camarines Sur, La Union, Oriental Mindoro, Pampanga, Tarlac, Negros Occidental, and South Cotabato.
Tinukoy naman ni David ang Aklan ang may pinakamataas na positivity rate na umabot sa 54.3% noong June 10 mula sa 50% noong June 3.