
Inanunsyo ng Department of Health ang naitalang bagong kaso ng Covid -19 sa bansa na umabot na sa mahigit 2,065 dahilan upang tumaas nulu ang active cases ng naturang virus sa 15,527.
Ang mga bagong kaso at nagdala sa nationwide caseload na 4, 113,093.
Iti rin ang pangalawang straight day na kung saan nakapagtala ng mahigit 15,000 na active cases sa bansa.
Samantala, pumalo naman sa 4, 031, 113 ang mga kaso ng mga gumaling sa naturang virus habang ang bilang ng mga nangangamatay ay sumirit na sa kabuuang 66, 453.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng Covid -19 at pumalo na ito sa 1, 034.
Sinusundan ito ng Calabarzon na mayroong 4,610, Central Luzon na may 1,485 na kaso, Western Visayas na may 1,034 at Bicol Region na may 714 na bagong kaso.