-- Advertisements --

Nakaamba na naman ang panibagong taas presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maglalaro mula P2.00 hanggang P2.30 sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang P0.20 hanggang P0.50 sa kada litro ang itataas ng gasolina.

Isa sa tinukoy ng DOE na dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagbabawal ng European Union ng Russia sa pag-angkat ng kanilang langis.