-- Advertisements --

Asahan na sa susunod na linggo ang big-time oil price hike.

Ayon sa oil industry player na Unioil tataas ng P3.90 hanggang P4.10 ang presyo ng diesel kada litro habang sa gasoline inaasahang may karagdagang umento na P3.00 hanggang P3.20.

Ang local oil industry ay gumagamit ng Mean of Platts Singapore (MOPS), ang daily average ng lahat ng trading transactions sa pagitan ng mga buyers at sellers ng mga produktong petrolyo base sa Standard and Poor’s Platts.

Nauna na rin itong kinumpirma kahapon ni Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na mayroong nakaambang pagtaas sa oil price sa susunod na linggo na magiging bahagyang mabigat.

Sinabi ni Abad, inaasahang papalo sa mahigit P3 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang sa diesel naman ay may umento na P3 hanggang P4 kada litro.

Inihayag pa ng energy official, ang presyo ng global crude oil ay nagkakahalaga ng $128.11 kada bariles as of April 21.