Nakapagtala ng panibagong 1,302 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakahuling datos ng kagawaran, patuloy ang pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayon ay nasa 9,105 na mula sa nauna nang naitalang 8,706 noong Biyernes na itinuturing na pinakamataas na bilang mula noong April 28.
Ayon pa sa DOH, dahil dito ay pumalo na sa 3,706,951 ang nationwide tally ng nasabing virus.
Samantala, nangunguna pa rin naman ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na bilang ng mga kasong naitala sa nakalipas na dalawang linggo na mayroong 5,243, na sinundan naman ng Calabarzon na mayroong 1,967, Western Visayas na may 912, Central Luzon na may 717, at Central Visayas na may 525 na mga kaso.
Pareho rin namang nagdagdagan pa ang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit na may kabuuang 3,637,268 habang ang death toll naman ay tumaas din sa 60,578.