-- Advertisements --

Nakarating na sa Israel ang 11 panibagong bihag na pinalaya ng mga Hamas militant.

Mula sa Gaza ay isinakay sila sa bus ng International Committee on the Red Cross para makatawid sa Rafah crossing sa Egypt.

Inalalayan sila ng Israel Defense Forces at dinala ang mga bihag sa pagamutan para sa suriin at makapagpahinga.

Magugunitang pinalawig ng Israel at Hamas ang kanilang ceasefire para mabigyang daan ang pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas at mga Palestinian na nakakulong sa Israel.