-- Advertisements --

Tinamaan ng hindi malamang projectiles ang pangunahing oil pipeline system sa Saudi Arabia.

Dahil dito ay nagkaroon ng sunog sa iba’t-ibang pump stations na matatagpuan malapit sa pipeline.

Hindi naman natukoy kung sino ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Subalit ilang opisyal ng US ang nagsabing ang drone mula sa Iraq ang tumama sa pipelines.

Wala ring katiyakan ang mga opisyal kung hangang kailan matatapos ang pagsasaayos ng nasabing mga nasirang pipelines.