Ipinagmalaki ng Russia na kanilang nakubkob ang pangunahing bayan ng Mariinka sa silangang bahagi ng Ukraine.
Sa ulat ni Russian Defence Minister Sergei Shoigu kay President Vladimir Putin, na nakontrol ng kanilang assault units ang tinaguriang “powerfully fortified” area sa labas lamang ng Donetsk ang regional capital na hawak ng Russia.
Sinabi naman ng commander ng Ukrainian Armed Forces na si Valerii Zaluzhnyi na lumipat ang kanilang puwersa sa labas na bahagi ng Mariinka.
Ang Mariinka ay nagkaroon ng matinding damyos dahil sa nagaganap na labanan.
Naghahanda rin ang Russia sa pagganti matapos na tamaan ng Ukraine missiles ang kanilang warship sa Feodoslya port.
Gamit ang warplanes ng Ukraine ay tinamaan ang landing ship Novocherkassk, na ginagamit ng Russia sa paglikas ng mga sundalo at mga heavy equipment nila.