-- Advertisements --

CEBU CITY -Magpapatupad ng mahigpit na seuridad ang Cebu City Police Office ( CCPO) sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa susunod na linggo para dumalo sa groundbreaking ceremony ng Cebu Bus Rapid Transit.

Inihayag ni PLt Col Janette Rafter, deputy city director for operations ng CCPO, may mga inisyal na preparasyon na silang isinagawa at mga pagpupulong kasama ang pamahalaang lungsod ng Cebu para sa pagdating ng Pangulo.

Bagama’t hindi pa nila alam ang mga galaw ng pangulo, naghahanda na ang kanilang mga tauhan na magbibigay ng seguridad sa lugar kasama ang mga cabinet secretaries.

Sinabi pa ng opisyal ng puylisya na nakapokus na sila sa impormasyon na ibinigay sa kanila at tiwala naman itong sapat ang kanilang mga police personnel.

Dagdag pa nito na sakaling marami pa umanong itinerary ang Pangulo ay handa naman silang humingi ng dagdag pwersa mula sa kalapit na probinsya at lungsod.

Isang protocol na rin umano na may nakastandby na Civil Disturbance Management (CDM) kapag bumisita ang Pangulo ng bansa sa isang lugar.

Sakaling may mga magsasagawa naman umano ng rally kasabay ng pagbisita ng chief executive dito, handa naman umano ang pulisya at wala din umano silang nakikitang problema basta sumunod lang umano ang mga ito sa polisiya gaya ng pagkuha ng permit bago ito isagawa.