
Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang mabilis na galaw ng Kongreso para maisabatas ang priority legislation ng kanyang Administrasyon.
Itoy sa gitna ng pagbibigay diin sa importansya ng Marcos Administration sa dalawampung priority legislative measures nauna ng inilahad ng Pangulong noong kanyang State of the Nation Address o SONA nang isang taon.
Ayon sa Pangulo, hindi nawawala ang kanyang pag-asang maisasabatas ang lahat ng kanilang legislative agenda na naka-angkla sa programa ng kanyang pamamahala partikular na ang 8-point socioeconomic agenda.
Sa ngayon ay may sampung SONA priority bills na nasa level ng ibat-ibang kumite sa kapwa dalawang Kapulungan ng Kongreso kabilang dito ang Department of Water Resources, E-Government/Governance Act, Government Rightsizing Program, National Land Use Act, Budget Modernization, Natural Gas Industry Enabling Law, EPIRA Amendments, MUP Pension Reform at ang National Defense Act.
Kabilang naman sa kabilang banda ang mga panukalang batas na nai-transmit na sa Kongreso ang Tax Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Bill, Real Property Valuation and Assessment Reform Act, Internet Transaction Act or the E-Commerce Law and Condonation of Unpaid Amortization at ang Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries










