
All set na ang isang stakeholders meeting na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Lunes, Enero 30, 2023.
Ayon Kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, kasama sa inaasahang mga dadalo sa pagpupulong Ang mga importer, trader, retailer at mga magsasaka na itinakda Ng Pangulo.
Kabilang sa mga pangunahing pag- uusapan sa ini- schedule na meeting Ang presyo Ng sibuyas sa merkado na base Naman sa monitoring ng Department of Agriculture ay naglalaro lamang sa 120 to 200 pesos Ang presyo Ng imported na sibuyas.
Bukod sa presyo, inaasahang mapag- uusapan din Ang Ilan pang mga usapin na may kinalaman sa sibuyas na posibleng mabuksan Kay Pangulong Marcos.
Una ditoy Ilang mga better Anong mambabatas Ang naniniwalang ang cartel ang pangunahing nasa likod sa mataas na presyo ng mga sibuyas sa bansa habang may mga mafia din umano na nagkokontrol sa mga pantalan gaya sa Subic kung saan mayroon aniyang 50 containers na naglalaman ng mga sibuyas na dinideliver paunti-unti.










