Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa na namang ground breaking ceremony ng Pambansang pabahay para sa mga Pilipino ngayong umaga, kasabay na ng anibersaryo ng department of social welfare na nakatakda rin niyang daluhan.
Una munang tutunguhin ng Pangulo ang ika – 72 taong anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development sa Punong Tanggapan nito sa Batasan Road, Quezon city ng alas-9:00 ng umaga, kung saan kasama rin sa aktibidad ang gagawing pangunguna sa inagurasyon ng DSWD multi-purpose building.
Pagkagaling ng DSWD ay agad namang didiretso ang Chief Executive sa ground breaking ceremony ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Project- Batasan Development Urban Renewal Plan.
Gagawin ito sa BATODA Terminal Commonwealth Avenue corner IBP road, lunsod ng Quezon.
-- Advertisements --