Aprubado na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suspension ng klase at trabaho sa ilang bahagi ng bansa dahil sa bagyong Karding.
Sa isang advisory na inilabas sa pamamagitan ng official Facebook page ni Marcos, sinabi nitong natanggap at inaprubahan na nito ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Una nang inirekomenda ng NDRRMC ang suspensiyon ng trabaho sa gobyerno sa National Capital Region pat sa Regions I, II, III, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region maging sa Region V para bukas.
Ang rekomendasyon ng NDRRMC ay kinabibilangan ng mga klase sa public schools sa lahat ng level.
Inirekomenda rin ng NDRRMC sa mga respective heads ng private companies, offices at schools na nasa kanila na ang discretion kaugnay sa suspension ng trabaho o klase.
Sa post ng Pangulong Marcos, sinabi nitong maglalabas daw ang Malacañang ng memorandum-circular kaugnay rito.