-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pormal ng inihayag ni Pangulong Gotabaya Rajapaksa ang kanyang pagbibitiw sa pwesto sa jULY 13, 2022 matapos ang malawakang kilos protesta sa Colombo noong Sabado .

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Zeny Verdillo Gadut ng Sri Lanka na ang malawakang kilos protesta sa Colombo at ang paglusob ng mga rayelista sa tanggapan ng pangulo at sa bahay nito ang nag udyok kay President Rajapaksa na magbitiw na lamang sa kanyang pwesto.

Matapos ang anunsiyo ng pangulo ay nanatili pa rin ang mga raleyista sa Colombo kung saan karamihan sa kanila ay nasa tanggapan ng pangulo at sa mismong bahay nito.

Oras na magbitiw sa pwesto si Pangulong Rajapaksa ay pansamantalang hahalili sa kanyang pwesto si Speaker Mahinda Abeywardana sa loob ng 30 araw.

Sa panahong nakaupo bilang pansamantalang Pangulong Abeywardana ay magbobotohan ang miyembro ng parliament kung sino ang kanilang iluluklok bilang bagong Presidente anim na buwan bago ang halalan.

Samantala nagpapatuloy ang pagsisiyasat sa naganap na pagnununog sa bahay ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe.

Mataandaang sumiklab ang malawakang kilos protesta sa Sri Lanka dahil sa nararanasang krisis sa petrolyo at sa suliranin sa transportasiyon.

Maraming Pilipino na nakapag-asawa sa naturang bansa ang labis na naapektuhan dahil sa mataas na presyo ng bilihin at krisis sa petrolyo.

Sa ngayon ay may nagaganap ng repatriation sa mga Pilipinong nais na umuwi na sa Pilipinas.