Inilunsad ng China ang pangatlong aircraft carrier nito.
Ito ang unang idinisenyo at itinayo nang buo sa bansa na magmamarka ng malaking pagsulong daw ng militar para sa Asian superpower.
Ginawa ang anunsyo habang ang tensyon sa pagitan ng China at Estados Unidos ay tumaas dahil sa saber-rattling ng Beijing patungo sa self-ruled Taiwan, na tinitingnan nito bilang isang breakaway na lalawigan na sakupin ng puwersa kung kinakailangan.
Inilunsad sa isang shipyard ng Shanghai ang “Fujian” na mas technically advanced kaysa sa iba pang mga Chinese carrier.
Ito ang “unang catapult aircraft carrier na ganap na idinisenyo at ginawa ng China”.
Inabot ng maraming taon ang Fujian bago nito naabot ang operational capacity, kung kaya’y hindi inanunsiyo ng Ministry of Defense ang petsa ng “entry sa serbisyo nito”.
Magugunitang ang China ay may kasalukuyang dalawang aircraft carriers na kinabibilangan ng Liaoning at Shandong.