Isinagawa ng isang Community-based Skills Training Project sa Pangasinan Provincial Jail para sa kanilang mga Persons Deprived of Liberty.
Sa ilalim ng naturang training ay itinuro ang Basic Electrical Installation and Maintenance at Basic Wellness Massage.
Ito ay sa pangunguna ng Pangasinan Provincial Employment Services Office.
Ang naturang Community-Based Skill Training Project ay itinuturing na isang skills and livelihood assistance project .
Bahagi ito ng Employability Enhancement Program ng Pangasinan Provincial Government, sa pangunguna ng Pangasinan PESO.
Naging katuwang rin nila ang Technical Education and Skills Development Authority.
Hindi bababa naman sa 50 katao ang nakapagtapos sa libreng pagsasanay.
Layon rin ng naturang programa na magkaroon ng practical abilities at kaalaman ang mga PDL.
Bukod dito ay mapapadali rin ang kanilang rehabilitasyon, at ang pagbalik sa lipunan .