-- Advertisements --
Dumating na sa Singapore si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang ikalawang state visit.
Haharap din sa mga mamamahayag ang ilang opisyal ng gobyerno na kinabibilangan nina Press Sec. Trixie Cruz-Angeles at Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan “Toots” Ople.
Habang alas-6:00 naman ng gabi nakatakdang humarap sa Filipino community sa Singapore si Pang. Marcos at inaasahang magbibigay ito ng kaniyang talumpati para sa mga Pinoy doon.
Kasama ng punong ehektubo na nagtungo sa Singapore si First Lady Liza Marcos, Presidential Son Rep. Sandro Marcos, at mga miyembro ng gabinete ng gobyerno.