HPS launching
-- Advertisements --

Umaasa ang citizens movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) na magpapa-ubaya na lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa 2022 elections.

Sa pulong balitaan kasunod ng launching ng HPS kaninang umaga, sinabi ng kanilang chairman na si dating Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario na marami ang nagnanais na tumakbo si Mayor Sara sa pagka-pangulo para sa halalan sa susunod na taon.

Nawa ay makita aniya ito ni Pangulong Duterte ay irekonsidera na lamang nito ang kanyang pagkandidato sa pagka-bise presidente naman.

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na iisa lamang sa kanilang pamilya ang tatakbo sa mataas na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

Kaya naman noong tinanggap ng kanyang ama ang nominasyon ng ruling party PDP-Laban bilang kanilang kandidato sa pagka-bise presidente, nagdesisyon si Mayor Sara na hindi na siya tatakbo sa pagka-pangulo.

-- Advertisement --

Sa ngayon, mahigit 15,000 ang bagong supporters at chapter members ang nanumpa sa launching ng HPS.

Sinabi ni Del Rosario na mas marami pa ang nakikita nilang sasali sa kanilang hanay sa mga susunod na araw lalo pa ngayong pormal nang nailunsad ang kanilang grupo, na sumusuporta sa pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.