-- Advertisements --

Nagsawa ngayon ang Department of Health (DOH) ng intensive case investigation at contract tracing kaugnay sa ikaapat na Pinoy na nagpositibo sa monkeypox.

Nananatiling itinatago pa ng kagawaran ang lokasyon ng 25-anyos na Filipino national na pinakahuling nagpositibo sa monkeypox.

Nauna nang iniulat ng kagawaran na walang travel history mula sa ibang bansa ang pasyente.

Siya ay nagpositibo sa virus matapos ang PCR test sa DOH-RITM noong August 19.

Nasa isolation ngayon ang pasyente at nakilala na rin ng ahensiya ang 14 close contacts nito kung saan pito sa kanila ang nasa quarantine facilities.

Muling nagpaalala ang DOH na maaaring kabilang sa mga unang sintomas ng monkeypox ay ang lagnat, pananakit ng ulo, matinding pananakit ng kalamnan, pagkapagod, pantal, pati na rin ang namamaga at masakit na mga lymph node.

Sa paligid ng isa hanggang tatlong araw pagkatapos ng paglitaw ng isang lagnat, ang isang pantal ay maaaring maging masakit, puno ng likido na mga sugat sa balat.

Pagkatapos ng ilang araw o linggo, ang mga sugat o sugat ay nagiging scabs.