-- Advertisements --

Nagpaalala ang World Health Organization (WHO) at ang UNICEF na isama na bilang prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ang mga teachers at iba pang mga kawani ng mga paaralan.

Ginawa ng WHO ang paalala at ng UNICEF dahil sa hangarin nila na makapagbukas na rin ang mga eskwelahan sa Europa at Central Asia.

Noon pa mang Nobyembre ng nakalipas na taon ay nauna nang inirekomenda ng mga WHO experts na isama sa vaccination roll-out ang mga guro.

Ayon sa statement ngayon ng WHO, napakahalaga na maipagpatuloy na ang pagtuturo sa mga classroom at hindi ito maputol.

Ang naturang pahayag ng WHO ay sa kabila nang pananalasa ng mas nakakahawang Delta variant ng virus.

Binigyan diin naman ng WHO napakahalaga nang edukasyon ng mga bata upang malinang ang kanilang mga pag-iisip, kalusugan at ang tinatawag na social skills upang maging masaya sila at produktibong miyembro ng lipunan.

Tinawag pa ng ahensiya na ang kasalukuyang pandemic ay nagdulot ng pinakamatinding “catastrophic disruption” sa kasaysayan ng edukasyon sa buong mundo.

Samantala umapela rin naman ang WHO sa mga bansa na kung maaari bakunahan na rin ang mga mga bata na edad 12-anyos pataas na merong mga commorbidities o medical conditions dahil delikado rin ang mga ito sa virus na baka mauwi sa severe COVID-19 disease.