
Muling binuhay ang panawagan na buwisan ang mayayaman sa bansa kasunod ng inilabas na report ng Global nonprofit organization na Oxfam Pilipinas na mas mataas na yaman ng 9 na Pilipinong billionaires kumpara sa 55 million o kalahati ng kabuuang populasyon ng bansa.
Base sa data mula sa Forbes’ Billionaires List, nasa tinatayang $32.7 billion ang pinagsama-samang yaman na itinuturing na siyam na pinakamayaman sa bansa kabilang dito sina Manuel Villar na may $8.3 billion, Enrique Razon Jr. ($6.7 billion), Henry Sy Jr. ($2.8 billion), Andrew Tan ($2.8 billion), Hans Sy ($2.6 billion), Herbert Sy ($2.6 billion), Harley Sy ($2.4 billion), Teresita Sy-Coson ($2.4 billion), at Elizabeth Sy ($2.1 billion).
Ayon kay Oxfam Pilipinas executive director Erika Geronimo, lumago ang ranggo ng mga milyonaryo sa bansa ng 43.5% mula noong 2012 na umakyat sa P278.24 million o $5 million at pataas.
Sa pagtaya ni Geronimo, na kapag ang wealth tax target lalo na ang mga Filipino millionaires ay maipasa bilang batas ay maaaring mag-iwan sa bansa ng $3.8 billion na yaman.
Sapat na aniya ito upang mapataas ng 40% ang pondo para sa sektor ng kalusugan.
Nakakapanghinayang aniyang makita na marami sa ating mga kababayan ang nasasawi dahil sa kawalan ng health care o nakakaranas ng pagkagutom sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain habang ang mayayaman ay patuloy lamang na lumalago ang kanilang yaman sa gitna ng pandemya.










