Aminado ang pamunuan ng Land Transportation Office na hindi pa rin nila masawata ang ilang mga fixers na nag-ooffer na kanilang serbisyo sa mga indibidwal na kumukuha ng drivers licence.
Ito’y matapos nilang gawing online ang ilang proseso sa pagkuha ng Driver’s License.
Karamihan rin aniya sa mga nag-aaply ng lisensya ay tinatangkilik ang serbisyo ng mga fixers upang maging mas madali sa kanila ang pagpoproseso ng kanilang lisensya.
Kung maaalala, sa naging pagdinig sa senado sinabi ni Land Transportation Office (LTO) officer in charge Hector Villacorta na mas lumalapit ang mga nag-aaply na mga driver dahil karamihan din sa kanila ay hindi marunong mag computer.
Dahil dito ay binigyang diin ni Villacorta na mas palalawakin pa nila ang kanilang public assistance para hindi na lumapit sa mga fixer sa sidewalk na malapit sa kanilang tanggapan ang mga nais kumuha ng driver’s licence.
Samantala, nabanggit rin ng opisyal ang isyu sa backlog sa mga plaka at lisensya.
Aniya, pag-aaralan nila ang mas mabilis na pagbili ng mga license cards sa loob ng dalawang buwan.
Batay sa datos ng kanilang tanggapan, tinatayang mahigit kumulang limang milyon ang backlog at aminado ito na talagang aabutin hanggang Nobyembre kaya ikokonsidera na nila ito ngayon bilang emergency purchase.
Target din aniya ng Land Transportation Office na sa katapusan ng taon ay maibalik na sa normal ang naturang sitwasyon