-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Arturo Uy, senior board member sa lalawigan sa Davao del Oro na may malalaking pagbabago sa ilang mga miyembro ng kanilang bilang paghahanda sa 2022 national at local elections.

Sa panayam ng Bomboradyo kay Uy, ngayong araw ay nakatakdang mag-withdraw sa kanyang kandidatura si Governor Tyron Uy at siya ang mag-substitute nito.

Samantalang ang kanyang anak na si Cathy Uy na una ng tatakbo bilang Bise-gobernador ang tatakbo nilang board member sa lalawigan.

Samantalang inihayag ni Uy, na bilang miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) malaki ang kanilang paniniwala na mananatili pa rin silay matibay kahit na lumipat na sa Lakas-Christian-Muslim-Democrats (Lakas-CMD) si Mayor Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.

Kahit hindi pa nila alam kung ano ang tatakbohan na posisyon ng alkalde, gusto umano ng partido na kakandito bilang Pangulo ng bansa.