BUTUAN CITY – Napalitan ng takot at pangamba ang dapat sana’y masayang pagsalubong sa Pasko ng isang pamilya sa Agusan del Norte matapos tumagos ang isang bala ng baril sa kanilang bahay nitong Martes ng gabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Gillina Ecoben, 29, na nasa kalagitnaan ng kanyang paghahanda sa Noche Buena nang makarinig sila ng malalakas na putok mula sa labas.
Nagulat daw ito nang sumigaw ang kanyang anak matapos makakita ng bala ng baril sa kanilang palikuran.
Agad namang rumesponde ang pulisya at kinumpirmang bala nga ng baril ang tumagos mula sa kanilang bubong.
Batay daw sa trajectory ng bala, posibleng nanggaling ang basyo sa kalapit na subdivision.
Sa ngayon inaalam na araw ng pulisya kung sino ang nagpaputok ng baril para mapanagot at mabigyan ng tamang disposisyon.