-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Magkahalong emosyon ang naramdaman ng mga mahal sa buhay ni Cagayan de Oro Pride boxer Carlo Paalam pagkatapos manalo sa quarterfinals laban sa Rio Olympics Gold Medalist Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan kahapon.
Si Stephanie Sepulveda, ang nobya at isa sa mga pinaghuhugutan ng lakas at inspirasyon ng Pinoy boxer, ay umiiyak sa sobrang galak pagkatapos manalo si Carlo sa quarterfinals.
Umaasa naman ang mga kaanak ni Carlo na higit pa sa bronze medal ang makukuha ng atleta.
Masasaksihan ang semi finals sa men’s flyweight division bukas, Agosto 5, kung saan makakaharap ni Carlo ang pambato ng Japan na si Ryomei Tanaka.