BUTUAN CITY – Malaking karangalan para sa pamilya Nituda nitong lungsod ng Butuan ang pagkamit ng gintong medalya ni Elly Jan Semine Nituda sa sepak takraw sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng ina nitong si Lilibeth Nituda, na 9-anyos pa lang ang kanyang anak ay naging representante na ito sa kanyang tinuruan ngayong Mandacpan Elementary School sakop ng Brgy. San Vicente nitong lungsod.
Sa nasabing edad, si Elly Jan na umano ang unang regional champion ng Caraga Region para sa nasabing event.
Matagal na umanong pangarap ng kanyang anak na magbe-23 anyos na sa susunod na buwan na makasungkit mg medalyang ginto para sa Pilipinas kung kaya’t umiyak sa sobrang tuwa nang mag-video chat sila kagabi.
Inialay ng biyudang si Lilibeth sa Maykapal ang nakamit na tagumpay ng kanyang anak dahil tugon na ito sa kanilang mga panalangin.
Napag-alamang graduating ngayon sa kursong Bachelor of Physical Education ang janbyang anak na syang nakakatanda sa apat niyang mga anak.
Payo lamang nito na magpasalamat palagi sa Panginoon dahil sa natamong tagumpay mananatiling mapagkumbaba.