-- Advertisements --

Binalewala lamang ng Sandiganbayan ang hirit ng pamilya ni dating military comptroller Major General Carlos Garcia na suspendihin ang coourt proceeding ng dalawang forfeiture cases laban sa kanila.

Sa mosyon na inihain ng asawa ni Garcia na si Clarita, kasama ang kanilang mga anak na si Ian Carl, Juan Paolo at Timothy Mark, hiniling ng mga ito sa korte na huwag nang ituloy ang pagdinig sa nakabinbing desisyon ukol sa plunder at money laundering case na kanilang kinasasangkutan.

Batay sa 10-page ruling, sinabi ng anti-graft bargain na kahit pa sinusubukan ni Gen. Garcia na gamitin ang kaniyang plea bargain agreement sa P303-million plunder at money laundering case, ay hindi pa rin magpapatinag ang korte na ituloy ang pagdinig sa ilalim na rin ng doctrine of prejudicial question.

Alinsunod sa nasabing doktrina, kailangan muna itong maresolba sa civil case bago ang isyu ng criminal question.

Ang unang forfeiture case laban sa pamilya Garcia sa ilalim ng Civil Case 0193 ay nagkakahalaga ng P143 million habang ang ikalawang kaso naman sa ilalim ng Civil Case No. 0196 ay nagkakahalaga ng P202 million.

Una nang naghain ng guilty plea si Gen. Garcia sa indirect bribery at money-laundering. Pumayag din ito na ibalik ang P135.4 milyong halaga ng mga properties.