-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mariing kinondena ng Pamilya Sangki ang pananambang sa kanilang kaanak na si Mohammad Sangki na siyang “vital witness” sa Maguindanao massacre.

Kung maaalala, namatay ang isang Department of Justice personnel na siyang driver mismo ng sasakyan matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilang suspek.

Ayon kay alyas Jerome, isa sa mga nakakita kung saan halos 20 metro lamang ang layo nito sa pinangyarihan, isang palaisipan kung paano nakapasok ang mga armadong suspek dahil mahigpit naman ang checkpoint sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Ibinahagi rin nito na “fully armed” pareho ang dalawang panig kung kaya nagpalitan pa ang mga ito ng putok.

Dagdag pa nito, walang nagtangkang lumapit sa mga napapadaan malapit sa nasabing barilan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang calibre 45 at M16 na mga baril.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa mga suspek.

Nagpapagaling naman ang mga biktima sa isang pribadong hospital sa Koronadal, City.