-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nangako ang bise gobernador sa Capiz na siya na ang bahala sa pagpapagamot sa na-paralyze na braso ng pitong taong gulang na pasyente dahil sa sobrang dosage ng gamot na itinurok sa kanya nang na-confine ito sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Ayon kay Vice Governor Jaime Mitang Magbanau, dadalhin nila sa private doctor at ospital ang bata upang matukoy kung ito ba ang resulta ng sobrang dosage ng gamot na itinurok sa kanya.

Magsasagawa rin aniya sila ng sariling imbestigasyon sa insidente.

Samantala, laking pasasalamat ng magulang ng bata matapos na lumapit ito sa Bombo Radyo Roxas at tinulungan silang maipaabot sa provincial board ang kanilang problema.