-- Advertisements --
image 255

Dismayado ang pamilya nang pinatay na broadcaster kasunod ng lumabas na report na patay na rin daw ang tinaguriang “middleman” na siyang may koneksiyon sa utak ng nasabing kaso.

Ayon kay Roy mabasa, ang kapatid ng biktima na si percy lapid, pakiramdam daw tuloy nila ay walang interes ang malakanyang sa kaso.
Nananawagan siya na sana ang pangulong marcos mismo ang manguna sa panaawagan para sa hustisya.
Sinabi na rin sa ni mabasa sa panayam ng bombo radyo na sana pag-ingatan ng mga otoridad ang tinaguriang middleman na siyang magiging susi sa maraming tanong sa kaso.


Ang kanyang pangamba ay busnod na rin ng ilang insidente noon na sangkot ang ilang high profile inmates sa loob ng new bilibid prisons na napaulat na lamang na namatay.
Samantala, pumasok na rin ang national bureau of investigation sa pag-iimbestiga sa sinasabing pagkamatay ng tumatayong “middleman” ng mastemind sa nasabing kaso.