-- Advertisements --

Sa halip na ilihis ang tunay na isyu, sinabi ng isang Manila solon na dapat harapin at sagutin ng pamilya Duterte ang kanila umanong pagkakasangkot sa extrajudicial killing (EJK) ng may 27,000 Pilipino sa implementasyon ng war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.

Ipinunto ni Manila Rep. Joel Chua na lumutang ang mga saksi, gaya ni dating Police Colonel Eduardo Acierto sa pagdinig ng Kongreso at iniugnay si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga malalapit na kaalyado nito sa ipinagbabawal na gamot.

Nais ni Chua na makakuha ng categorical answer lalo at direkta umanong sinabi ni Acierto na si Duterte ay protektor ni Michael Yang, ang dating economic adviser ng dating Pangulo na inaakusahang isang drug lord.

Nauna ng ipinag-utos ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto kay Yang na lumutang ang pangalan sa isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng nakumpiskang P3.6 bilyong shabu sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga.

Habang nagsasagawa ng pagdinig ang komite, biglang inilutang ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagkasenador ang kanyang ama at mga kapatid na sina Davao City Mayor Baste at Davao City Rep. Paolo Duterte sa 2025 midterm elections.

Bukod kay Acierto, lumutang din ang self-confessed na dating miyembro ng Davao Death Squad na si Arturo LascaƱas, na inakusahan ang dating Pangulo na isang dating drug lord at ang pagpapatupad umano ng pekeng drug war kung saan 27,000 Pilipino ang pinaslang.

Sa nakaraang pagdinig ng House Dangerous drugs panel, sinabi ni Acierto na si Yang ay sangkot umano sa illegal drug trade at nadawit din sa multi-bilyong Pharmally scandal.