-- Advertisements --

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ni dating Manila councilor at host na si Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ng kanilang anak na si Emman Atienza, content creator, na kilala sa kanyang pagiging bukas tungkol sa isyu ng mental health.

Sa isang Instagram post, kinumpirma ng pamilya ang malungkot na balita at inalala si Emman bilang isang taong naghatid ng saya, tawa, at pagmamahal sa kanilang buhay at sa mga taong nakakilala sa kanya.

“She brought so much joy, laughter, and love into our lives and into the lives of everyone who knew her,” ayon sa pahayag ng pamilya.

Nanawagan din ang pamilya Atienza sa publiko na ipagpatuloy ang kanyang pamana sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng malasakit, tapang, at kabutihan sa araw-araw na buhay.

‘To honor Emman’s memmory, we hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life.’