-- Advertisements --
Senator Raffy Tulfo

Binatikos ni Senator Idol Raffy Tulfo si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil sa pagbabanta nito tungkol sa employment ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan kapag hindi tinutulan ng Pilipinas ang kalayaan ng Taiwan.

Tinawag ni Tulfo na “bully” si Huang Xilian na hindi umano kuntento na hina-harass ng China ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea at ngayon naman ay ginagamit naman nito ang mga OFW bilang hostage sa gitna ng isyu nito sa Taiwan sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ani Tulfo, si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ay nagbitaw ng mga salitang lantarang minamaliit ang mga Pilipino nang dahil sa away ng China at Taiwan.

Kamakailan, binitawan ni Huang Xilian ang mga salitang lantarang minamaliit ang mga Pilipino.

Giit ni Tulfo, walang karapatan ang sinuman, kahit pa ang pinakamataas na opisyal sa China, na utusan tayo sa dapat nating gawin at pagbantaan ang mga OFWs sa sarili nating bansa.

Dagdag niya, ang isyu ng Tsina sa Taiwan o sa Enhanced Defense Cooperation Agreement ay dapat hinarap nila sa madiplomasyang paraan, sinunod ang tamang proseso at protocol.

Sinabi ng mambabatas na matagal nang foreign ministry officer ng China si Xilian, pero imbis na makipag-usap ng maayos nang gobyerno sa gobyerno, dinamay pa niya ang mga inosenteng OFWs sa kanyang pananakot.