-- Advertisements --
Kinoronahan ang pambato ng Brazil bilang Miss Asia Pacific International 2025.
Sa ginanap na coronation night sa lungsod ng Cebu nangibabaw si Isabela Fernandes sa iba pang 42 na kandidata.
Bukod sa titulo ay nakuha rin nito ang pagiging Miss Zenea at Miss NuStar.
Tinanghal naman bilang first runner- up ang pambato ng Pilipinas na si Anita Rose Gomez.
Nakuha rin ni Gomez ang Miss Hotel 101, Miss Cindyrella Drip at Miss RMBC Nutramins.
Ang pambato naman ng Thailand na iBowomrat Maneerat ang nakakuha ng 2nd runner-up at Miss Cindyrella Drip.
Nakapasa ang mga kandidata sa criteri na Beauty of Face na may 35 percent; Beauty of Figure- 35 percent at Personality and Intelligence – 30 percent.