-- Advertisements --

Nabigo ang pambato ng bansa para sa Reina Hispanoamericana na si Ingrid Santamaria.

Umabot ito sa Top 14 subalit nabigo siyang makapasok sa Top 6 sa coronation night na ginanap sa Bolivia.

Nakuha ni Arlette Rujel ng Peru ang titulo ng 31st Reina Hispanoamericana.

Habang first runner ang pambato ng Brazil, second runner up ang Puerto Rico, Third runner up ang Mexico at fourth runner up ang Colombia.

Ang 26-anyos na Communication Arts ng De La Salle University ay mula sa lungsod ng Paranaque at nagtrabaho bilang assistant manager sa isang e-commerce company.