-- Advertisements --

Maaring bumalik sa pag-isyu ng papel na drivers license ang Land Transportation Office (LTO).

Ito ay kapag payagan ng korte ang petisyon para sa preliminary injunction na inihain ng talunan na bidder sa plastic cards.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court ang pagdinig sa injuction petition na inihain ng AllCard Inc. laban sa Banner Plasticard Inc. at sa LTO matapos na mapaso na ang 20-araw na temporary restraining order.

Paglilinaw ni Mendoza na tuloy pa rin ang pamamahagi nila ng drivers license hanggang sa maging pinal na ang kaso.

Pagtitiyak na isusulong pa rin nila na mapunan ang mga backlog ng mga drivers license.