-- Advertisements --

Inihayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na kinokonsidera ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga Japanese companies upang himukin sila na gumawa ng mga electric vehicle (EVs) sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ayon kay Pascual, ang mga Japanese motor companies ay nasa joint venture lamang sa mga pribadong kumpanya sa Pilipinas.

Umaasa ang kalihim na sa private level ay matuloy ito dahil ang gobyerno ay hindi gagawa ng pagmamanupaktura.

Ito aniya ay sa private sector at magiging private company-private company discussion.

Magugunitang noong Oktubre, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inaasahan niyang makita ang mga EV na bubuo ng hindi bababa sa 50% ng mga sasakyan sa bansa pagsapit ng 2040, sa hangaring matupad ang pangako nito sa Paris Agreement na bawasan ang mga gas emission ng 75%.