-- Advertisements --

Nagtamo ng malaking pinsala paliparan sa Pskov City sa Russia matapos na tamaan ng drone.

Dahil sa nasabing insidente ay nasira rin ang dalawang military Ilyushin 76 transport planes.

Bago ang nasabing malaking sunog sa paliparan ay nakarinig pa ang mga residenteng malapit sa lugar ng malakas na pagsabog.

Matatagpuan ang Piskov mahigit na 600 kilometers mula sa Ukraine na malapit sa border nila sa Estonia.

HIndi naman inako ng Ukraine ang nasabing insidente kung saan na gaya ng pag-akusa ng Russia sa kanila.