KALIBO, Aklan —- Pinayagan na muli ng lokal na pamahalaan ng Malay ang paliligo sa dagat at iba pang water activities sa Isla ng Boracay matapos ang paglitaw ng sangkaterbang maliliit na jellyfish o dikya.
Pansamantalang ipinagbawal ng mga awtoridad noong Sabado ang paliligo at pagsasagawa iba pang aktibidad sa dagat kasunod ng paglipana ng mga dikya sa tatlong estasyon ng isla.
Ayon sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lubhang delikado ang mga ito dahil maaring magdulot ng pangangati ng balat o allergy.
Linggo ng umaga ay unti-unti nang nawala ang nasabing nga dikya sa dalampasigan dahilan na tinggal na ang inilagay na red flag warning para sa mga turista.
Sinasabing dahil sa Hagabat kung bakit inanod ang mga ito sa tabing dagat.